WALANG DAHILAN | Lalaking nambugbog ng live-in-partner nito, kulong!

Ilocos Norte – Arestado ang isang lalaki matapos na bugbugin ang kaniyang live-in partner na GRO nang walang dahilan sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte.

Nakilala ang suspek na si John-John Ulep, 41-anyos, residente sa nasabing bayan.

Sa ulat, natutulog ang biktimang si Arlene Mio nang bigla siyang suntukin at kinaladkad sa labas ng bahay saka pinagpapalo ng pala.


Nakatakbo naman ang biktima at nakahingi ng tulong sa mga puis kaya’t mabilis na nadakip ang suspek na tinangka pang tumakas.

Facebook Comments