WALANG DAPAT IKABAHALA | Department of Health, iginiit na ligtas ang kanilang bakuna kontra tigdas

Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Health (DOH) na ligtas ang kanilang measles vaccine.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, III – walang dapat ikabahala ang mga magulang na mabakunahan ang kanilang mga anak.

Para makaiwas sa tigdas, dapat makakuha ng anti-measles vaccine ang mga batang anim na buwan hanggang limang taon.


Ang mga simtomas ng tigdas ay ubo, sipon, pamumula ng mga mata at pamamantal sa balat.

Facebook Comments