Negros Oriental – Naramdaman sa bahagi ng Negros Oriental ang Magnitude 4.7 na lindol kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute Of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) – ang epicenter ay nakita sa western part ng Dauin, Negros Occidental.
Anim na kilometro ang lalim ng Tectonic Earthquake.
Wala namang dapat ikabahala ang mga residente dahil wala namang inaasahang tsunami sa lugar.
Naramdaman naman ng bayan ng Sibulan at Dumaguete City ang lakas na intensity 4 at asahan ang mga mahihinang aftershocks.
Wala namang pinsala at namatay sa nangyaring lindol.
Facebook Comments