WALANG DELAY: MGA BONUS AT GRATUITY PAY, NAIPAMAHAGI NA SA DAGUPAN CITY

Maayos at nasa oras na naipamahagi kahapon, bisperas ng pasko, ang mga insentibo at bonus ng mga kawani ng lungsod sa pangunguna ng Treasury Team.

Alinsunod sa ipinangako ng pamahalaang lungsod, natanggap ng mga empleyado ang kanilang benepisyo nang walang aberya—isang patunay ng maayos na paghahanda at mahusay na koordinasyon ng mga tanggapan.

Kabilang sa mga ipinamahaging benepisyo ngayong araw ang mga sumusunod:
₱20,000 Service Recognition Incentive (SRI) para sa mga regular na empleyado
₱5,000 Performance Enhancement Incentive (PEI) para sa lahat ng regular employees
₱7,000 para sa lahat ng Job Order (JO) at Contract of Service (COS) employees.

Samantala, kasabay din ang pamamahagi ng ₱7,000 Gratuity Pay o Christmas Bonus para sa mga Job Order at Contract of Service employees sa City Plaza. Ang naturang insentibo ay pagkilala sa kanilang sipag, dedikasyon, at tapat na paglilingkod sa bayan.

Lubos ang pasasalamat ng pamahalaang lungsod sa bawat kawani na patuloy na nagbibigay ng dekalidad na serbisyo publiko. Tunay umano na deserve na deserve ang bonus bilang gantimpala sa kanilang pagtupad sa tungkulin at malasakit sa lungsod.

Facebook Comments