Manila, Philippines – Pumapalo sa halos dalawandaang katao ang naaresto dahil sa kawalan ng disiplina sa sarili na nagresulta sa pagtatapon ng mga basura sa Lungsod ng Maynila.
Ang mga naturang arestado ay lumabag sa City Ordinance no. 7866 at 7695 na may kaparusahang multa at pagkakakulong ng hindi hihigit sa tatlumpung araw.
Dahil dito ay bumuo ang pamunuan ng Manila City Government ng Taskforce malinis na kapaligiran na pinamumunuan ni Manila District Director, Chief Supt. Rolando Anduyan.
Layon ng naturang Task Force na mas mahigpit na ipatupad ang mga Ordinansa sa Lungsod na may kinalaman sa pagkakalat ng basura.
Bibigyan ng pagkakataon na magbago ang mga Manilenyo kung saan ay pinatawad naman ni Manila Mayor Joseph Estrada ang mga nasabing arestadong Manilenyo.
Ayon kay Estrada, ito na ang unat huli niyang patatawarin ang mga mahuhuling magkakalat ng mga basura sa Manila at sa susunod na maaresto ang mga ito ay tiyak na mapaparusahan na ang mga ito.