‘God does not exist’
Ito ang konklusyon ng kilala at namayapang physicist na si Stephen Hawking base sa kanyang pinakahuling inilathalang libro.
Base sa librong “Brief Answers to the Big the Questions,” sinasabi ni Hawking na walang namamahala sa sanlibutan.
Dagdag pa niya, na ang lahat ay maaring masagot sa pamamagitan ng laws of nature.
Hindi natapos ni Hawking ang libro at ang kanyang pamilya at kaibigan ang nagpatuloy at nagkumpleto nito sa tulong ng kanyang mga malawak na archives.
Nabatid na pumanaw si Hawking nitong Marso sa edad na 76 na ikinukunsiderang isa sa mga brilliant scientist sa kanyang henerasyon.
Si Hawking ay may kundisyong Lou Gehrig’s Disease na isang neurodegerative disorder.
Facebook Comments