Saturday, February 21, 2026

Walang dokumentong ukay-ukay nasamsam ng PNP-HPG; 4 na indibidwal na kinabibilangan ng 2 Chinese nationals, naaresto

Nagsagawa ng operasyon ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Potrero, Malabon City nang makatanggap ng impormasyon patungkol sa isang 10-wheeler na truck na may karga umanong ilegal na sigarilyo mula sa nasabing lugar patungo sa Central Luzon.

Agad namang pinahinto ng pulisya ang nasabing sasakyan at nang boluntaryong binuksan ng driver ang laman nito, tumambad sa mga awtoridad ang ilegal na kargamento ng mga ukay-ukay na walang kaukulang dokumento.

Samantala, itinuro rin ng naarestong driver kung saan matatagpuan ang warehouse ng mga nasabing damit, kung saan tumambad sa mga awtoridad ang maraming tumpok ng ukay-ukay at iba pang merchandise na wala ring dokumento, na tinatayang nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱1 milyon.

Sa kabuuan, nasa apat na indibidwal ang naaresto, kabilang ang dalawang Chinese nationals.

Dinala naman ang mga nasabing indibidwal sa Regional Highway Patrol Unit – National Capital Region (RHPU-NCR) office para sa tamang dokumentasyon, imbestigasyon, at disposisyon.

Facebook Comments