WALANG EBIDENSIYA? Pinay girlfriend ng pangunahing suspek sa Las Vegas shooting, inabswelto sa mga kaso

World – Pinawalang sala na ang pinay na girlfriend ng primary suspek sa nangyaring pamamaril sa Las Vegas noong Oktubre ng nakaraang taon.
Ayon kay Clark Country Sheriff Joseph Lombardo – wala silang nakikitang ibidensiya na may kaugnayan si Marilou Danley sa nagawang pamamaril ng kaniyang nobyo na si Stephen Paddock.
Maaalalang, nagpaulan ng bala ang suspek sa mga nanonood ng Music Festival kung saan namatay ang limampu’t walong indibidwal.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon kung kabilang si Paddock sa isang terrorist group.

Facebook Comments