Walang EJK sa Pilipinas – PNP Chief Bato Dela Rosa

Manila, Philippines – Muling iginiit ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na “walang extra judicial killings sa Pilipinas”.

Ayon kay Dela Rosa, hindi nya alam kung saan nangagaling ang ‘statistics’ na binabanggit ng mga kritiko at kung bakit EJK ang tawag nila sa mga patayan sa bansa.

Aniya, dati nang may mga patayan pero tila hindi ito napupuna at kung kailan iba na ang nakaupo sa pwesto ay babaguhin na naman ang depenisyon nito.


Ang tinutukoy ni Bato ay ang Administrative Order (AO) no. 35, na nilagdaan noong Abril 18, 2013 ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nakasaad dito na ang EJK ay para sa mga biktima na kasapi ng isang cause oriented group katulad ng media at iba pa.

Una nang dumipensa ang Internal Affairs Service ng PNP na hindi kwalipikadong tawaging EJK ang mga patayan sa bansa.

Wala naman anila kasing judicial killings dahil hindi umiiral ang death peanlty sa bansa.

Facebook Comments