WALANG EPEKTO | ACTS-OFW partylist, tiniyak na hindi apektado ang mga OFW sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC

Manila, Philippines – Nilinaw ni ACTS-OFW partylist representative Aniceto
Betriaz na walang epekto sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang
pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Sa isang Forum sa QC, sinabi ni Betriz na hindi kailangan ang ICC para
proteksyonan ang mga OFW.

Binigyan diin ni Betriz na sapat ang mga embahada ng Pilipinas para tutukan
ang anumang banta ng pagmamaltrato sa mga Pilipinong manggagawa sa ibayong
dagat.


Sapat din aniya ang umiiral na bilateral agreements ng Pilipinas sa bansa
kung saan nagtatrabaho ang mga OFW.

Idinagdag ng kongresista na kung sakali naman aniya na maipit ang mga OFW
sa sa panloob na krisis ng alinmang mga bansa, maari naman aniyang
sumaklolo ang United Nations sa mga bansang may kaguluhan.
<#m_1575458104835923520_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments