Muling nagpahayag ng saloobin ang mga drivers ng pampasaherong sasakyan sa Dagupan City kaugnay sa ibinabang rollback sa mga produktong langis epektibo kahapon.
Matatandaan na sa kada litro ng mga sumusunod na produkto: ang Diesel, may pagbabang P0.40 – P0.60, P0.50 – P0.70 naman ang pagbaba rin sa Kerosene, habang ang Gasoline, nasa P0.10 – P0.20 lamang ang ibinababa nito.
Wala umanong epekto ang paggalaw sa presyo dahil hindi lamang umabot kahit sa piso man lang sana umano ang rollback lalo na at umabot pa sa 11th row ang serye ng naging big time oil price hike.
Ayon sa mga drivers ng lungsod, umaasa pa rin ang mga ito sa rollback na may taas din sanang pagbaba tulad ng mataas na pagsirit sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Dagdag pa nila na hindi pa nila ramdam ang pagbaba sa katiting na bawas nito at babawi pa lamang sila kung magpapatuloy pa ang rollback. |ifmnews
Facebook Comments