Manila, Philippines – Nagsalita na ang International Criminal Court sa
naging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na iatras na ng pilipinas ang
ratipikasyon nito sa Rome Statute na lumikha sa Pandaigdigang hukuman.
Sinabi ng ICC na walang magiging epekto ang withdrawal sa obligasyon ng
Pilipinas sa pakikipag-tulungan para sa isang ligal na proseso.
Wala rin itong epekto sa estado ng nag-iisang Pilipinong judge sa ICC na si
Raul Pangalangan dahil ang Rome Statute ay isa lamang requirement ng State
Party Nationality.
Samantala, hindi naman makararating ang kaso kaugnay sa war on drugs ng
Duterte administration sa pre-trial division hangga’t hindi natatapos ni
Prosecutor Fatou Bensouda ang kanyang imbestigasyon.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>