Itinanggi ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs Consular Office sa Calasiao, Pangasinan na mayroon itong facebook fanpage. Ayon sa kanilang OIC na si Ms. Jennifer Catherine Demesa ang nakikitang DFA Calasiao Pangasinan facebook page ay hindi otorisado at hindi lihitimong pag-aari ng consular office. Walang pahintulot umano ang fanpage na gamitin ang anumang logo at impormasyong nag-mumula sa kanila.
Dagdag pa ni Demesa na anumang mga kahalintulad na fanpage sa anumang social media platform ay hindi otorisado ng kanilang opisina. Bagkos ay hinikayat nilang bumisita sa lehitimong website na www.dfa.gov.ph o www.passport.gov.ph ang mga gustong mag-tanong o magpa-appointment para sa kanilang aplikasyon.
Maari din silang sadyain sa 2nd level Robinsons Place Pangasinan, Narciso Rueca Ramos Hall, Calasiao, Pangasinan mula 10:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. Pinaalala rin ni Demesa na ang mga gustong gustong kumuha ng pasapote ay kailangan munang dumaan sa online appointment pwera na lamang kung ito ay kabilang sa senior citizens, persons with disabilities (PWDs) na may ID, minors na edad pito pababa kasama ang magulang, single parent with solo parent ID at ang mga menor de edad na mga anak, buntis na may dalang medical certificate at overseas Filipino workers (OFWs) na may dalang documents tulad ng iDOLE Card, valid employment contract o valid work visa.
Sa anumang tanong maari silang tawagan sa (075)-632-7892 or (075) 632-7705 o mag-email sa rcocalasiao@yahoo.com.