Manila, Philippines – Hindi inakala ng beauty queen na si Maxine Medina na mauuwi sa hiwalayan ang seven years relationship nila ng model/actor na si Marx Topacio.
Ito ang naging pahayag ng 2016 Binibining Pilipinas-Universe matapos kumpirmahin na break na sila ni Topacio kahit na napag-usapan na nila ang pagpapakasal.
Nilinaw naman nito na walang third party sa kanilang breakup kaya nananatili silang mabuting magkaibigan.
Sa ngayon, focus muna daw si Maxine sa kaniyang acting career at ini-enjoy ang mga moment na ginagawa niya ito.
Facebook Comments