WALANG FOREVER | Paolo Ballesteros at actor-model lover nito, hiwalay na

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon na hiwalay na daw ang TV-host actor na si Paolo Ballesteros sa lover nitong actor-model na si Sebastian Castro.

Hindi pa man nakukumpirma ang namamagitan sa dalawa ay naging talk of the town ang post ni Sebastian sa instagram stories kung saan humihingi ng tawad ang isang sender na may initials na “PB” dahil nakipag-break ito sa kaniya.

Dahil dito, kinumpirma ni Sebastian na nagkaroon nga siya ng isang three-month relationship sa isang taong hindi niya pinangalanan at hindi naman niya ito idine-deny sa lahat ng tao.


Sa huli, nagpasalamat na lamang ito sa lahat ng memories na kasama niya si “PB” at malaki daw ang kaniyang panghihinayang sa nangyari.

Matatandaan na lumutang ang usap-usapan tungkol kina Paolo at Sebastian nang mamataan silang magkasama sa Rosario, La Union, noong April 24, 2018.

Facebook Comments