WALANG FOREVER | Vina Morales, nilinaw ang totong dahilan ng break-up nila ng French businessman boyfriend na si Marc Lambert

Manila, Philippines – Itinanggi ng singer-actress na si Vina Morales na kaya siya nakipag-break sa French businessman boyfriend niyang si Marc Lambert ay dahil hindi raw nito kayang ibigay ang pangarap niyang maikasal.

Say ni Vina, ang pagkakaroon ng long-distance relationship ang talagang dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Kahit nagtagal sila ng halos dalawang taon, mahirap pa rin kasi aniya na magkalayo sila at magkaiba ng prayoridad.


Dagdag pa ng singer/actress, kahit naman nung sila pa ni Marc ay never nilang napag-usapan ang tungkol sa kasal.

Kahit break na, nilinaw ni Vina na friends pa rin sila at madalas pa ring nag-uusap pero malayo nang magkabalikan pa.
Hindi naman daw siya nawawalan ng pag-asang makakatagpo ng tamang lalaki para sa kanya.

Facebook Comments