Leyte – Patay na ng makita ang isang preso sa kanyang selda sa Bureau Of Jail Management And Penology sa Ormoc City, Leyte.
Kinilala ang nasawi na si Hermes Tumulak, 50-anyos.
Namatay ang inmate dahil sa kanyang kondisyon sa katawan base na din sa mga doktor na sumuri sa kaniya.
Nilinaw din ng mga ito na walang foul play na nangyari hinggil sa pagkamatay nito.
Si Tumulak ay nakulong dahil sa paglabag sa RA 9165 o kasong may kaugnayan sa iligal na droga.
Facebook Comments