WALANG GALIT | Pangulong Duterte, nilinaw na hindi siya galit sa teroristang Abu Sayaff Group

Manila, Philippines – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya galit sa teroristang Abu Sayaff Group.

Ito ang tila paglambot ng Pangulo sa pagharap nito sa 76 na mga sumukong miyembro ng ASG sa Patikul, Sulu.

Ayon sa Pangulo, handa siyang makipag-dayalogo at makipagtulungan sa mga ito.


Sinabi ng Pangulo, kung gugustuhin lang niya ay dati pa niya pinulbos ang teroristang grupo.

Panawagan pa ng Pangulo sa mga ito na itigil na ang mga patayan.

Nangako rin ang Pangulo ng pabahay sa mga teroristang susuko sa pamahalaan.

Facebook Comments