Walang Gutom 2027: Food Stamp Program’, idineklara ng Malacañang bilang flagship porgram ng Marcos administration

Idineklara ng Malacañang na ang ‘Walang Gutom 2027: Food Stamp Program’ ang magiging pangunahing programa ng Marcos administration.

Ito’y batay sa inilabas na Executive Order No. 44 kung saan pangangasiwaan ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Batay sa EO No.44, makakatuwang ng DSWD sa food stamp program ang ibang mga ahensiya ng gobyerno para sa mabilis na distribusyon sa mga benepisyaryo ng programa.


Layunin ng food stamp program na mabawasan ang bilang ng mga nagugutom na pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) card na ibibigay sa mga benepisyaryo para makakuha ng pagkain sa partner merchant stores ng pamahalaan.

Makakatulong ng DSWD ang lahat ng ahensya sa national at local government units (LGUs) para masigurong magtatagumpay ang programa alinsunod sa adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na matuldukan ang problema sa kagutuman, masigurong maabot ang target na food security, mas mapaigting ang nutrisyon at matatag na agrikultura pagsapit ng 2030.

Matatandaan na sinimulan na ang pilot implementation ng programa sa Tondo,Maynila; Dapa, Siargao; San Mariano, Isabela; Garchitorena, Camarines Sur; at Parang, Maguindanao kung saan nasa 3,000 pamilya ang nakinabang.

Facebook Comments