Ipapatupad na rin ng pamahalaan sa CARAGA Region ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinaksihan at pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kick off ceremony ng programa sa Surigao del Norte.
Sa talumpati ng pangulo, sinabi nitong layuning ng programang ito na matiyak na may kalidad o masustansya ang kinakain ng mga benepisyaryo.
Ayon pa sa pangulo, noong buwan ng Hulyo nang unang ilunsad ang programa na layuning ay mabawasan ang antas nang kahirapan sa bansa.
Nagpasalamat naman ang pangulo sa tulong ng private sectors para mas mapalawak pa ang programang ito para sa mga Pilipino.
Sa kick off ceremony ng programa sa surigao del norte nakatanggap ang mga benepisyaryo ng ₱3,000 food credits o Electronic Benefit Transfer (EBT).
50% sa ₱3,000 food credits ay nakalaan para sa carbohydrates-rich food, 30% para sa pagkain mayaman sa protina at 20% ay mga prutas at gulay.