Walang Gutom Program, long-term solution na para matuldukan ang kagutuman sa bansa — DSWD

COURTESY: Department of Social Welfare and Development

Naniniwala ang Department of Social Welfare and Development o DSWD na pangmatagalang solusyon na ang Walang Gutom Program (WGP) ng pamahalaan.

Ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao, patuloy ang kanilang pagpupursige para masolusyunan ang problema sa involuntary hunger sa pamamagitan ng naturang programa.

Aniya, patuloy rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga partner agencies para palakasin pa ang long-term impact ng WGP.

Kailangan aniya nilang tulungan ang mga benepisaryo na maging bahagi ng ekonomiya sa pamamagitan ng whole-of-government approach.

Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan nila sa Department of Labor and Employment (DOLE) para matulungan ang mga household member na sumali sa mga job fair at ang training para sa mga short-term courses sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ang WGP ay flagship program ng Marcos administration at mayroon nang 300,000 na benepisaryo na tumatanggap ng P3,000 na halaga ng food credits mula sa DSWD.

Facebook Comments