WALANG HIWALAYAN | Mag-asawang tulak ng iligal na droga, huli sa Malabon

Malabon City – “For better of for worse”

Ito ang pinaninindigan ng mag-asawang tulak ng iligal na droga matapos silang masakote sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Florencio Jiongco, 45-anyos at misis na si Baby Rose, 39-anyos.


Isinagawa ng pinagsamang mga operatiba ng Malabon Station Drug Enforcement Unit (sdeu) at PDEA-CAMANAVA ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa mismong bahay nila.

Agad inaresto ang mga suspek matapos magbenta ng isang plastic sachet ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng marked money.

Narekober sa kanila ang 11 transparent plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

Facebook Comments