WALANG INAASAHAN | Makati Police, hindi inaaasahan ang pagbababa ng desisyon ng Makati RTC 148 ngayong hapon

Manila, Philippines – Walang inaasahang lalabas na desisyon mula sa Makati RTC branch 148 ang Makati Police ngayong hapon.

Ito ay ayon kay PSSUPT Rogelio Simon, hepe ng Makati Police, matapos niyang personal na tanungin kay Judge Andres Soriano kung maglalabas ba ito ng desisyon kaugnay sa mosyon ng DOJ na magpalabas ng warrant of arrest at Hold Departure Order laban kay Sen Antonio Trillanes IV, para sa kaso nitong kudeta noong 2003.

Aniya, kailangan rin kasi nilang malaman ang pinakahuling balita sa kasong ito, dahil sakaling paburan ng mababang hukom ang DOJ, kabilang sila sa magsisilbi ng warrant of arrest at sila rin ang magtitiyak sa seguridad ng Senador.


Matatandaang, ngayong umaga, idineklarang submitted for resolution na ng mababang korte ang isinumiteng tugon ng prosecution panel kaugnay sa
inihaing formal offer of exhibit o mga karagdagang ebidensya ng kampo ni Sen Trillanes, at inaasahan na anumang araw mula ngayon ay maglalabas na ng desisyon ang Makati RTC.

Facebook Comments