Manila, Philippines – Dinepensahan ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pag-atras ng National Democratic Front sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan.
Ayon kay Zarate, walang grupo ang tutupad sa peace talks kung hindi naman sineseryoso ng pamahalaan ang proseso para sa peace negotiations.
Aniya, 3 beses ba namang kinansela ng pamahalaan ang usaping pangkapayapaan sa loob ng dalawang taon.
Sinabi ni Zarate na wala sa objective ng pamahalaan na solusyunan ang ugat ng ilang dekada nang pakikibaka para sa kapayapaan kundi nais lamang ng pamahalaan na mapasuko ang mga militante at aktibista.
Kinalampag ng kongresista ang pamahalaan na itigil na ang warlike at militarist policy para may pag-asa pang buhayin ang negosasyon sa NDFP.
Babala ni Zarate, kung ipagpapatuloy ng Duterte administration ang militarismong paraan ng pakikipag-usap sa NDFP ay tiyak na mababalewala lang ang nailatag na peace talks.