Manila, Philippines – Tiniyak ni Senate President Koko Pimentel na bibigyan ng patas na paglilitis si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sakaling umabot sa senado ang impeachment case nito.
Ayon kay Pimentel, dapat na maghanda ang kamara na mapatunayan ang kanilang kaso.
Giit niya, walang kaibi-kaibigan sa hanay ng mga mambabatas.
Sinabi pa ni Pimentel na isinasapinal na nila ang impeachment rules bago ang nakatakda nilang recess.
Kumpyansa rin siyang isasantabi ng mga senador ang kani-kanilang partido kapag nag-convene na ang senado bilang impeachment court.
Nabatid na mapatatalsik lamang sa pwesto si Sereno kapag 2/3 ng 23 senador, o 16 sa mga ito ang pumabor sa impeachment.
Facebook Comments