WALANG KAKAMPI | Malacañang, itinangging binu-bully si CJ Sereno

Manila, Philippines – Mariin itinanggi ng Malacañang na binu-bully o ginigipit ng gobyerno ang naka-on leave na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi matatawag na pambu-bully ang mga isinampang kaso kay Sereno at ang nais ng mga kapwa nito mahistrado sa Supreme Court na magbitiw siya sa pwesto.

Dapat daw na mamulat na sa katotohanan ang Punong Mahistrado na halos wala na siyang kakampi sa Korte Suprema.


Malinaw na hindi na talaga tanggap ng kanyang mga kasamahan sa Kataas-Taasang Hukuman si Sereno kaya at walang pambu-bully na nagaganap.

Mali rin daw na pagbintangan ni Sereno si Pangulong Rodrigo Duterte na nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya sa puwesto dahil ang totoo ay mismong mga kasamahan sa Korte Suprema ang nagsasabing hindi siya karapat-dapat na maging Chief Justice.

Facebook Comments