Manila, Philippines – Hindi papatawan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad ng International Criminal Court (ICC) si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling mapatunayang guilty sa reklamong crimes against humanity.
Batay sa Rome statute na bumuo sa ICC, walang kakayahan ang ICC para magpataw ng death penalty.
Mayroon lamang silang kapangyarihan na ikulong ang isang akusado ng hanggang 30 taon o habambuhay kung guilty sa ilang serious crimes tulad ng genocide, war crimes at crimes against humanity.
Maari ring mag-utos ang ICC ng multa depende sa bigat ng nagawang kasalanan.
Nabatid na bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ng ICC pero iginiit na walang nilalabag na anumang batas ang kampanya kontra ilegal na droga.
Facebook Comments