WALANG KAPA-KAPATID | MPD District Supt. Rolando Anduyan, hindi kukunsintihin ang naarestong kapatid na pusher

Handang ipakulong at walang pakialam si MPD District Director Police Chief Superintendent Rolando Anduyan sa pagkakaresto ng kanyang kapatid na si Antonio Quiros Anduyan Jr., a.k.a. Zuye sa Iligan City matapos ang isang buy-bust operation doon.

Si Zuye ay kinilala ni PDEA Region 10 Regional Director Wilkins Villanueva, na isang high value target at pangalawa sa watchlist ng Iligan City.

Ayon kay Anduyan, bagaman at inamin nito na totoong kapatid niya si Zuye ay nilinaw naman nitong hindi sila malapit sa isat isa o lumaking magkasama at magkapatid lamang sila sa ama at marami silang magkakapatid na ibat iba ang mga nanay.


Paglilinaw pa ni Anduyan na hindi niya kinokunsinte ang ginawa ng kanyang kapatid at wala siyang planong makielam sa kaso nito.

Giit pa ni Anduyan kahit anak niya ang masangkot sa iligal na droga o sa kahit anong klase ng krimen ay hindi niya ito kukunsintihin at hahayaan niyang managot ito sa batas.

Nakaladkad ang pangalan ni Anduyan sa naturang kaso matapos maaktuhang nilalabag ni Zuye ang Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments