Walang Kapares! Best pares around the Metro
May mga bagay na kailangan ng kaparehas, hindi magki-click kapag wala ang isa. Kagaya ng mga pagkaing tuyo at champorado, dinuguan at puto, hindi na mawawala sa ating mga Pilipino ang pagkain ng pares.
Ang pares ngayon na kilala natin ay binubuo ng beef stew, sinangag at mainit na sabaw. Gawa ang beef stew sa laman at taba ng baka, kadalasan itong matamis at ma-aroma dahil sa mga spicies na nakasahog dito. Unang naging pansahog muna ang pares sa mami bago ito naging staple na ulam bilang pares at pinaniniwalaang ang mga chinese ang nagpakilala nito sa ating mga pinoy. Madalas natin itong makita sa mga kanto tuwing umaga kasama ang mainit at masarap ding pagkaing pinoy na mami. Masarap ang pares ngayong maulang panahon swak na pampainit at pantanggal gutom. Narito ang ilang pares house na sulit sa lasa na pasok sa budget na matatagpuan mo around the Metro in no particular order.
Una sa ating listahan ay ang Jonas Pares sa Quezon City, dito lang naman nagsimula ang pares na kilala natin ngayon. Nagsimula ang pares house na ito noong 1979 at ayon sa research ay ang may-ari na si Lolly Tiu ang na coin ng term na Pares!
Kung value for money ang hanap niyo, dito ang masarap puntahan, dahil sa halagang 122 pesos ay tiyak na happy tummy ka this tag-ulan season. Ang pares nila rito ay hindi katulad ng mga nakasanayan nating malapot, dahil ito ay medyo malabnaw.
Location: 561 Mayon Street, La Loma, Quezon City at marami na rin silang branches around the Metro.
Kung gusto mo naman ng level-up sa pares mo like may pabone-marrow oozing hot dahil sa torch, ito ang ang para sa iyo. Magliliyab ang malamig mong tag-ulan dahil sa maangahang na sawsawan nito. Sikat na sikat ngayon sa social media ang Pares Retiro dahil sa twist nito sa original pares ng pinoy. Sikat din ito sa mga locals within the vicinity ng Quezon City. Kagaya ng nakasanayan nating pares meron din itong beef stew na may malapot at mild sweet na sabaw, fried rice at mainit na beef broth. Ang Pares with bonemarrow ay matitikman mo sa halagang 235 pesos.
Location: P. Tuazon, Visayas Ave., Tomas Morato at Makati City.
Kagaya ng mga nakasanayan nating karendirya sa ating neighborhood, ang ating next pares destination ay matatagpuan sa garahe ng kanilang bahay! Ang Shorthorn Pares sa Quezon City. Katulad ng Pares Retiro, may bone marrow din ang kanilang masarap na Pares at ang tawag nila rito ay HB Pares!
Sa halagang 150 pesos ay may High Blood Pares (HB) ka na at tiyak na feel at home ka pa! bukas ang pares house na ito mula 11 am hanggang 12 midnight, at mag oopen na rin ang branch nila sa Tagaytay! perfect na perfect sa malamig at foggy weather ng Baguio in the Metro!
- Noodle King Pares House
Kung sulit sa bulsang pares naman ang hanap mo, ang Noodle King Pares House ang para sa’yo! Sa halagang 87 pesos ay tiyak na happy tummy kana, happy pa ang iyong bulsa! Matatagpuan ang Noodle King Pares sa Sampaloc Manila, saktong sakto sa mga estudyanteng malapit sa U-belt na naghahanap ng pampainit ng tiyan at pampatanggal umay sa maghapong eskwela!
Bagay din na kasama ng kanilang pares ang masarap nilang buttered chicken na talaga namang patok sa masa.
5. Partners Pares Mami
Isa pang pumasok sa ating listahan ay ang Partners Pares sa Quezon City! Katulad ng Noodle King Pares ay below 100 ang kanilang pares, sa halang 89 pesos lang ay matitikman mo na ang kanilang special pares. Mayroon silang mga branches sa Kamuning at sa 20th Avenue, Murphy. Tiyak na mabubusog ka sa ulam-rice at sabaw combo na ito.
Article written by Kristian Cartilla