Manila, Philippines – Kinasuhan ng BIR sa DOJ ng tax evasion ang 9 na pribadong kumpanya dahil sa kabiguang magbayad ng tamang buwis sa gobyerno.
Kabilang dito ang kumpanyang Theaden Marketing Services na pagmamay-ari ng isang Jennifer Dela Cruz Feliciano dahil sa hindi pagbayad ng 18-million pesos na buwis noong 2011.
Kabilang din sa mga inireklamo ang C.B. Eugenio Enterprises Co., Inc. na hinahabol sa P4.3-Million na buwis para sa taong 2009.
Sa records ng BIR, Lumobo naman sa 64-Million pesos ang tax liability mula July 2014 hanggang December 2014 ng kumpanyang DAEAH Philippines Inc- na nakabase sa Kapitolyo , Pasig City.
Ang Northstar Transport Facilities LTD ay bigo namang makabayad ng buwis sa taong 2009 at 2010 na umaabot sa P43.8-Million.
Umaabot naman sa 8-Million pesos ang hinahabol na buwis sa Plastic Technobag Co., LTD
Noong 2011, hindi rin nagbayad ng buwis ang RPV Electro Technology Philippines Corporation na aabot sa P18.3-Million
Taong 2011 din nang mabigong magbayad ng kanilang buwis ang Shema Ultimate Business Innovative Concept Corporation na nagkakahalaga ng P49-Million.
Pinakahuli sa mga inirereklamo ang Touring Group Inc. ng San Juan Metro Manila na may 5-Million pesos na atraso buwis noong 2010.