WALANG KINALAMAN | BIFF, itinangging may kinalaman sa mga naganap na pambobomba noong bisperas ng Bagong Taon

Cotabato City – Mariing itinanggi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter na may kinalaman sila sa nangyaring pagpapasabog ng granada sa lungsod ng Tacurong sa Sultan Kudarat Province, pagsabog ng IED sa Shariff Aguak Maguindanao na ikinasawi ng isang police official at pagkakakasugat ng limang iba pa at ang natagpuang ng IED sa Cotabato City noong bisperas ng Bagong Taon.

Ito ang sinabi sa RMN Cotabato ni Abu Misry Mama, ang tagapagsalita ng BIFF.

Subalit inamin niyang sila ang nasa likod ng pag-atake sa Mt. Firis sa Maguindanao at ang panununog ng ilang kabahayan doon.


Ginagawa umano nila ito dahil nais lamang nilang mabawi ang Mt. Firis na una ng pinagkutaan ng kanilang grupo sa ilalim ng pamumuno noon ng namayapang si Ustadz Ameril Umrah kato matapos itatag ang kanilang grupo na Bangsamoro Islamic Freddom Movement o BIFM.

Facebook Comments