WALANG KINALAMAN | Compromised agreement, pinabulaanan ni dating Senator Bongbong Marcos

Manila, Philippines – Pinabulaan ni dating Senador Ferdinand “Bongbong Marcos ang compromised agreement na binalangkas ni Atty. Oliver Lozano na isang loyalista ng kanilang pamilya.

Ayon kay Marcos, hindi kinakatawan ni Lozano ang sinumang miyembro ng pamilyang Marcos o ang anumang ari-arian ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kung babasahin ang compromised agreement Lozano, nakasaad ang pagpapamigay ng pamilya Marcos ng kanilang yaman sa mahihirap kapalit ng lifting ng sequestration order sa lahat ng ari-arian nila.


Sa kabila nito minaliit naman ng palasyo ang rekomendasyon ni Lozano.
Nilinaw ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na walang kasunduang umiiral at huwag ng patulan pa ang inilabas na dokumento ng naturang abogado.

Facebook Comments