WALANG KINALAMAN? | Dating DILG Sec. Mar Roxas, hugas kamay sa pagbili ng kontrobersyal na Mahindra jeeps

Manila, Philippines – Itinuro ni dating DILG Secretary Mar Roxas ang Philippine National Police (PNP) at ang Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) para pagpaliwanagin sa problema sa mga biniling Mahindra Jeeps ng PNP.

Ito ay matapos na madiskubre ng Commission on Audit (COA) na 10 porsyento ng 3000 mga biniling Mahindra patrol jeep para sa PNP ay hindi na magamit dahil walang supply ng pyesa para sa mga ito.

Sa mensahe na ipinarating ni dating DILG Secretary Mar Roxas hindi sya direktang makapagkomento sa “actual procurement” ng mga nasabing sasakyan dahil ang PNP at Procurement service ng DBM ang bumili nito kahit sya ng DILG secretary noong mga panahong yun.


Pero tiwala naman ang dating kalihim na sumunod sa tamang proseso ang DBM at ang PNP sa pagbili ng mga sasakyan.

Bilang dating kalihim ng DILG na siyang nakakasakop sa PNP, inaprubahan ng tanggapan ni Roxas ang naturang transaksyon.

Inamin naman ni Roxas na sinuportahan niya ang Patrol Jeeps project ng PNP dahil noong panahong iyon malaki aniya ang kakulangan sa transportasyon ng PNP.

Ang local accredited maintenance provider ng 3000 Mahindra patrol jeeps ng PNP ay ang Columbian Auto car Corporation.

Facebook Comments