Manila Philippines – Hindi na kailangan pang imbestigahan ng Palasyo ng Malacañang ang ibinibintang ng Rappler kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go na nakialam umano ito sa Frigate Transaction ng Philippine Navy.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nagsalita na mismo si Defense Secretary Delfin Lorenzana at sinabi nito na walang kinalaman si Go sa nasabing issue.
Maging si dating Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Ronald Mercado ay sinabi sa kanyang statement na hindi nanghimasok si Go sa anomang tansaksyon ng Navy.
Sinabi ni Roque na bigo ding mapatunayan ng Rappler ang kanilang alegasyon laban kay Go matapos bigyan ng 24 na oras ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi din ni Roque na ang akusasyon ay pagbanat lamang ng Rappler laban kay Go matapos ang sabihin ng Securities and Exchange Commission o SEC na lumabag sa saligang batas ang Rappler.