‘WALANG KINALAMAN’ | Malacanang, hands off sa isyu ng pagbuwag sa Office of the Vice President sa pagpapalit ng Saligang Batas

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na walang papel ang Executive Department sa anomang usapin ng Charter Change o pagpapalit sa Saligang Batas.

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap ng usapin sa pagbuwag sa office of the Vice President sa planong pagbabago ng konstitusyon na isinusulong sa kongreso.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, walang control ang palasyo sa issue na ito dahil nasa kongreso ang bola sa usapin ng pagpapalit ng saligang batas.


Pero wala pa aniyang pinal sa usapin dahil ang pag-amiyenda sa saligang batas ay dadaan sa ratification ng mamamayan kaya ang mamamayan parin ang tatayong hukom sa issue.

Facebook Comments