Manila, Philippines – Naniniwala ng Palasyo ng malacañang na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagfafile ng Leave of Absence ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Director General Aaron Aquino.
Matatandaan na kahit hindi pinangalanan ay halos sinabihan na ni Pangulong Dutere si Aquino na huwag maglabas ng mga espekulasyon partikular sa sinasabi nitong 6.8 billion pesos na halaga ng Shabu na naipuslit sa GMA Cavite.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa kanyang pagkakaalam ay walang kinalaman ang Pangulo dahil ang voluntary leave ng isang opisyal ng pamahalaan ay personal nitong desisyon.
Sinabi din ni Roque na ngayon lang niya nalaman na naka-leave si Aquino sa PDEA.
Naniniwala din si Roque na hindi nabawasan ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Aquino dahil sinabi din naman ni Aquino na wala namang direktang ebidensiya na nagpapakita na may nailabas ngang shabu mula sa mga magnetic lifter sa isang bodega sa Cavite.
Binigyang diin din naman ni Roque na tuloy-tuloy parin ang ginagawang imbestigasyon sa nasabat na mahigit 4 na bilyong pisong halaga ng shabu sa Port of Manila.