WALANG KINALAMAN | Pangulong Duterte, hindi nakialam sa biglaang pagbibitiw sa pwesto ni Paolo Duterte

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pinaghimasukan ang desisyon ng kaniyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na magbitiw sa pwesto.

Ayon sa Pangulo, tinanong siya ni pulong hinggil rito pero ipinaubaya na niya sa kaniyang anak ang desisyon.

Aniya, ang tanging napayo lang niya kay Pulong ay gawin ang alam niyang tama.


Bagama’t suportado, sinabi naman ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte na nanghihinayang siya sa pagbibitiw ni Pulong.

Mahirap aniyang bitawan ang posisyon lalo’t inihalal siya ng taumbayan.

Nasa Office of the President na rin aniya ang letter for resignation ni Pulong at nakadepende na sa kaniyang ama kung tatanggapin ito.

Facebook Comments