WALANG KINALAMAN | Pangulong Duterte, walang pakialam sa issue ng pagkakabawi ng SEC sa lisensiya ng Rappler

Manila, Philippines – Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala talaga siyang kinalaman sa pagkakakansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa lisensiya ng Rappler.

Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa harap na rin ng pahayag ni Maria Ressa ang Chief Executive Officer ng Rappler na pangha-harass ito sa kanila ng administrasyon dahil sila ay nagiging kritikal sa pamahalaan.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang pangunguna sa inagurasyon ng Communications Navigation and Surveillance/Air Traffic Management Systems Development Project sa Civil Aviations Authority Compound (CNS/ATM) sa Pasay City ay sinabi nito na wala hindi siya nanghihimasok sa anomang galaw ng SEC at wala siyang pakialam sa issue na ito.


Binigyang diin ni Pangulong Duterte na hindi naman siya ang nagtalaga sa mga commissioners at Chairman ng SEC bukod sa isang commissioner nito.

Binanatan din naman ni Pangulong Duterte ang iba pang media entities sa bansa partikular ang Inquirer kung saan sinabi ng Pangulo hindi rin naman malinis.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na bahala na ang Department of Justice kung magsasampa ng kaso laban sa Rappler.

Facebook Comments