WALANG KINALAMAN? | Serye ng mga pagsabog ng bulkang Mayon na resulta umano ng pagiging aktibo ng Pacific Ring of Fire, itinanggi ng PHIVOLCS

Manila, Philippines – Itinanggi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na may kinalaman sa Pacific Ring of Fire ang pag-aalbuturo ng bulkang Mayon.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, ang Pacific Ring of Fire ay isang geographic feature kung saan ang mga bansa sa paligid ng pacific ocean ay may mga aktibong bulkan at posibleng makaranas ng madalas na paglilindol at kung minsan ay tsunami.

Aniya, walang kinalaman ang mga earthquake warnings sa ibang bansa dahil mayroon aniyang kanya-kanyang earthquake generator ang mga bansa.


Gayunman, paalala ni Solidum na dapat maging alerto at maging handa ang publiko sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Facebook Comments