WALANG KINALAMAN | SolGen Calida, nilinaw na walang papel ang Malakanyang sa kahilingan niyang paimbestigahan ang Rappler

Manila, Philippines – Nilinaw ni Solicitor General Jose Calida na walang naging papel ang Malacanang sa kanyang kahilingan sa Securities and Exchange Commission (SEC) na imbestigahan ang Rappler.

Bunga ito ng investment na inilagak ng Omidyar Network at North Base Media sa nasabing Online Media Outfit.

Ayon kay Calida, ang Department of Justice na ang bahala na mag-imbestiga kung may pananagutan ang Rappler sa Anti-Dummy Law.


Una rito, inihayag ni Calida na nakahanda ang kanyang tanggapan na ipagtanggol ang desisyon ng SEC kahit saan umabot ang kaso.

Una na ring iginiit ni Calida na ang desisyon ng SEC ay maituturing na pamamayani ng “Rule of Law”.

Facebook Comments