Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni senate majority leader tito sotto iii na mayroong kandidato o partido politikal ang target mapaboran ng ginawa niyang pagbubulgar sa umano’y dayaan noong 2016 presidential elections.
Sabi ni sotto, wala sa isip niya ang mga kandidato na may nakahaing election protest at hindi nya sinasadya kung mayroon mang masasagaan o mapaboran ang kanyang hakbang.
Sa katunayan, ayon kay sotto, wala syang binanggit na pangalan ng sinumang kandidato o political party sa kanyang expose.
Sabi ni sotto, ang kanyang layunin ay kalampagin ang gobyerno na papasok muli sa kontrata sa smartmatic para sa 2019 elections kahit hindi pa nareresolba ang isyu ng dayaan sa nagdaaang automated elections.
Dagdag pa ni sotto, handa rin ang kanyang testigo na lumutang sa isang executive session para ilahad ang mga ebidensya at impormasyong hawak nito na magpapatunay ng dayaan.