Manila, Philippines — Hindi sang-ayon ang mga nagtitinda ng bigas sa sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na makukulong ng dalawang taon at multa ng isang milyong piso ang mga hindi susunod sa suggested retail price ng bigas.
Mag-iikot ang DTI, National food Authority at Department of Agriculture sa mga pamilihan para bantayan ang presyo ng bigas, maging ang bagong tawag sa mga variety nito.
Ayon sa ilang nagbebenta ng bigas sa Muñoz Market sa Quezon City, 39 pesos ang bili nila sa kada kilo ng regular rice, kaya wala na silang kikitain kung susunod sila sa 39 pesos na suggested retail price ng DA.
Sa ngayon 43 pesos at hindi 39 pesos ang bentahan sa regular rice.
Bukod sa SRP, ipapatupad na rin sa Martes, October 23, ang pagtawag ng regular rice, well-milled rice, premium rice at special.rice sa mga variery ng bigas sa merkado imbes na Denorado, Super Angelica at iba pang mga pangalan na ginagawa umano para mapataas ang presyo ng bigas