Manila, Philippines – Walang konsultasyon naganap sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Defense Secretary Delfin Lorenzana bago pinirmahan ng Pangulo ang Proclamation 572 na bumabawi sa amnestiya ni Senator Antonio Trillanes IV.
Ito ang inihayag ni Lorenzana matapos ang mga natatangap na batikos ngayon ng DND at Armed Forces of the Philippines na tila nagagamit ang kanilang hanay sa isyu sa pulitika ng Pangulo.
Inamin rin ni Lorenzana na hindi pa rin sila nagkakausap ng kanyang dating boss na si Dating Defense Secretary Voltaire Gazmin matapos na lumabas ang isyu kay Trillanes.
Pero sa mga susunod na araw aniya ay tiyak na magkakausap silang dalawa kaugnay dito.
Si Gazmin ay ang Defense Secretary noong panahong nag apply ng amnestiya ang grupo ni Sen Trillanes.
Sinabi ni Lorenzana si Gazmin ang nakapirma sa application paper ng mga nagapply nang amnesty noong taong 2011.