WALANG KUMPIRMASYON | Paguwi ni Joma Sison, hindi pa kumpirmado

Manila, Philippines – Wala pang kumpirmasyon ang Palasyo ng Malacañang sa balita na handa nang umuwi sa Pilipinas si Communist Party of the Philippines, New Peoples Army, National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.

Nabatid na batay sa lumabas na balita ay uuwi umano sa Agosto si Sison para sa pagpapatuloy ng Usapang pangkapayapaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, wala pa naman silang natatanggap na anomang impormasyon patungkol sa lumabas na balita.


Binigyang diin nalang ni Roque na malinaw na naiparating na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang paninindigan na dapat ay sa Pilipinas dapat gawin ang peace talks at titiyakin ang seguridad at lahat ng pangangailangan ni Sison sakaling umuwi ito sa Pilipinas.

Sinabi din naman ni Roque na wala namang nabanggit sa kanya si Presidential Adviser for the Peace Process Secretary Jesus Dureza patungkol sa paguwi sa Pilipinas ni Joma Sison.

Facebook Comments