Walang Kuryente!

Sampung oras mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Pangasinan sa darating na October 5, 2017 araw ng Huwebes ganap na 7:00 am hanggang 5:00 pm. Dahil umano ito sa Replacement ng mga wood poles sa kahabaan ng San Manuel-Sapang 69kV line segment at correction ng ibang line defects sa kahabaan ng San Manuel-Calasiao 69kV line.
Ang mga apektado ng nasabing sampung oras na power interruption ayon sa NGCP ay ang mga nasasakupan ng PANELCO III at CENPELCO.

AFFECTED AREAS FOR PANELCO III: 

  1. URDANETA CITY – Poblacion, Dilan-Paurido, San Vicente, Anonas, Tulong, Mabanogbog, Nancamaliran East/West, Pinmaludpod, San Jose, Catablan, Labit West, Cabaruan, Sugcong, Oltama,
  2. ASINGAN – Calepaan, Palaris, Toboy, Sobol, Bobonan, Coldit.
  3. VILLASIS – Brgy. La Paz
  4. MUNICIPALITY OF MAPANDAN
  5. MUNICIPALITY OF BINALONAN
  6. MUNICIPALITY OF POZORRUBIO
  7. MUNICIPALITY OF LAOAC
  8. MUNICIPALITY OF SAN MANUEL

AFFECTED AREA FOR CENPELCO: Municipality of Mangaldan

Samantala, magkakaroon diN ng panandaliang power interruptions sa mga nasasakupan ng DECORP’s San Jacinto Substation sa October 5, 2017 ganap na 7:00AM – 7:30AM at 4:30PM – 5:00PM. Dahil ito sa Shifting of power source ng DECORP’s San Jacinto Substation sa Balingueo Substation at shifting back ng power source sa San Manuel Substation pagkatapos ng nasabing maintenance activities.

Nagpapaalala ang NGCP sa mga customers nito at sa general public na maghanda at gawin ang mga precautions para sa mga nasabing scheduled power interruptions. Pangako naman ng pamunuan ng NGCP na gagwin nila ang lahat para maibalik ang supply ng kuryente sa mas maagang oras o sa itinakdang schedule.

Facebook Comments