‘Walang kwenta’: Alex Gonzaga, pinapalayas ng netizen sa Twitter

Instagram/@cathygonzaga

Pumalag si Alex Gonzaga sa isang basher na sinabihan siyang i-deactivate na lang ang “walang kwenta” niyang Twitter account.

Nagsimula ito sa tweet ng actress-vlogger noong Sabado na payo kung paano raw mapanatili ang mental health ng sinumang may kinaiisang tao.


Ni-retweet ito ng isang netizen na nagdikta ng mga isyung mas dapat daw bigyang-pansin ni Gonzaga sa account niyang may malaking following.

“Alam mo, mas okay kung nagtweet ka na lang about sa mga hindi pa rin nakakatanggap ng ayuda or mga biktima ng abuse this quarantine. Ang laki ng platform mo teh pero walang kwenta,” sabi ng netizen.

“Kung puro ka ganyan magdeactivate ka na lang. Walang character development amp*ta,” dagdag pa nito.

Sinagot naman siya ng aktres na naglatag pa ng mga tulong na ginagawa raw ng kanilang pamilya para sa mga nangangailangan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“One example: YES marami pa di nabibigyan ayuda kaya sa makakaya ng pamilya namin pinipilit namin tuloy tuloy na tumulong. In our business, we are trying our best and finding ways not to lay off people kahit matagal walang sales,” aniya.

Sumbat pa ni Gonzaga, “Character development is not cursing someone in Twitter.”

Humirit naman ang aktres na “naa-appreciate” niya pa rin ang basher at nagpayo na pagtuunan na lang ang mga pinaglalaban nito imbis na makipag-away online.

Facebook Comments