Manila, Philippines – Pinayuhan ni Albay Rep. Edcel Lagman si Pangulong Duterte na maghanda pa rin sa International Criminal Court o ICC sa kabila ng pagtalikod ng Pangulo sa institusyon. Kasabay nito, iginiit ni Lagman na hindi makakaligtas si Duterte sa imbestigasyon ng ICC kaugnay sa mga Human Rights Violations ng Davao Death Squad at sa kampanya nito kontra iligal na droga. Paliwanag ni Lagman, hindi uubra ang argumento ng Pangulo na hindi applicable sa bansa ang effectivity ng pagkalas sa ICC dahil hindi umano nasunod ang principle of complementarity, due process at ang presumption of innocence sa panig nito. Aniya, pawang self-serving ang mga argumento ni Pangulong Duterte kaya mainam na maungkat ito sa ICC. Sinabi pa ni Lagman na mabigat ang implikasyon ng desisyon ni Duterte na talikuran ang ICC. Maaari aniya itong maging mitsa ng lalo pang pagdami ng human rights violations sa bansa at maaaring maging dahilan din para mawalan ng tiwala ang ibang bansa sa Pilipinas.
WALANG LIGTAS | Pangulong Duterte, pinayuhan na maghanda pa rin sa ICC
Facebook Comments