WALANG LIMITASYON? | Term extension para sa PNP Chief indefinite, mga mas mababang heneral pwedeng hanggang 1 taon manungkulan – NAPOLCOM

Manila, Philippines – Walang limitasyon sa term extension ng PNP Chief habang may umiiral na crisis sa bansa.

Ito ang inihayag ni NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao, makaraang palawigin ng Pangulo sa pangalawang pagkakataon ang termino ni PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa.

Hindi binanggit ng Pangulo kung gaano kahaba ang pangalawang term extension ng PNP Chief, pero sinabi ni Dela Rosa na hanggang isang taon ang pinahihintulutan ng batas.


Ngunit nilinaw ni Casurao na nakasaad sa republic act 6975, na ang termino ng PNP Chief ay hindi lalampas ng apat na taon, pero dahil may umiiral na”national emergency” ay maaring mai-extend ng Pangulo ang termino ng PNP Chief ng mahigit pa sa apat na taon.

Paliwanag pa ni Casurao, ang isang taon na maximum term extension na sinasabi ay naga-apply lang sa mga heneral na may ranggong 3 Star pababa at hindi binanggit sa batas na kasama sa limitasyon ang 4-Star Generals, na siyang ranggo ni Dela Rosa.
Kaya aniya, dahil sa may “national emergency” na resulta ng Marawi Crisis, maaring manungkulan si Dela Rosa bilang PNP Chief hanggang sa gusto ng Pangulo.

Facebook Comments