Manila, Philippines – Walang nahuli ang National Capital Region Police Office na lumabag sa ipinatupad na liquor ban at gun ban.
Ito ay kaugnay sa isinagawang Traslacion ng poong itim na Nazareno sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, dahil sa tulong ng media partikular sa patuloy na pagpapaalala sa mga deboto na huwag gawin ang mga bawal sa prusisyon kung kaya’t walang naitalang violators.
Nakatulong din aniya ang mahigpit na law enforcement operations ng mga pulis na idineploy para sa Traslacion.
Ngayong alas dose ng tanghali lifted na ang ipinatutupad na gun ban at liquor ban na nagsimulang ipatupad noong January 8.
Ang liquor ban ay ipinatupad sa Sta. Cruz at Quiapo Area, habang ang gun ban ay ipinatupad sa buong lungsod ng Maynila.
Sinabi pa ni Albayalde na umabot sa 7.6 milyong mga deboto ang nakiisa sa Traslacion.
Sa kabila ng pakikiisa ng milyon-milyong deboto na sa kabuuan aniya generally peaceful ang isinagawang Traslacion.