Manila, Philippines – Tinuluyan na kinasuhan ng Department of Transportation (DOTr) ang dalawang personnel ng transport security na nahuli sa CCTV na kinuha ang pocket money ng isang turistang Hapones.
Kinilala ang mga kinasuhan na sina OTS Intelligence Agent Aides Stephen Bartolo at Demie James Timtim.
Nauna rito, noong ika-28 ng Marso, habang nagsasagawa ng baggage search sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3’s departure area, nagsabwatan ang dalawa para makuha ang pera ni Japanese National Yuka Sakata na nagkakahalaga ng 1,700 Australian na Dollars (AUD) o katumbas ng PHP68,000.
Mariing namang kinondena at kinagalit ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang nasabing insidente.
Facebook Comments